Governor's Accomplishments, News

14TH ANIBERSARYO NG SULTAN KUDARAT PROVINCIAL MOBILE HOSPITAL OUTREACH TEAM IPINAGDIWANG, PAGBIBIGAY PUGAY SA SERBISYONG TAPAT TUNAY NA MAASAHAN

Matagumpay na ipinagdiwang ng Sultan Kudarat Provincial Mobile Hospital Outreach Team ang ika-14th anibesaryo nito, noon lamang October 22, 2014.

SK 1

Sa pangunguna ng Provincial Mobile Hospital Head, Dr. Rex Archangel S. Lamprea at Ms Suraina A. Ulama ng Outreach Team, ganap na alas-syete ng umaga October 22, isigawa ang motorcade, mula sa main venue nito sa harap ng Sultan Kudarat Sports and Cultural Center, patungong Tacurong City at pabalik sa bayan ng Isulan.

Sumunod ang isinagawang outreach program ng grupo sa naturang venue. Doon ay nagkaroon ng medical and dental check-ups, libreng konsultasyon at pagbibigay ng salamin sa mata at libreng gupit.

SK 2

Dumalo din sa nasabing pagdiriwang ang mga dating miyembro ng Mobile Hospital na ngayo’y patuloy pa ring nagbibigay serbisyo at nakadistino sa Sultan Kudarat Provincial Hospital.

Samantala, ganap na alas syete ng gabi nagsimula ang formal occasion at nagmistulang reunion ang naturang pagdiriwang, sabay na rin dito ang pagbibigay ng mensahe ng ating mga sangguniang members na sina Hon. Joseph Ortiz at Hon. Manuel lastimoso, Provincial Administrator Mr. Florante A. Malinao, at ang Former Chief of Staff ng ating Former Governor Sultan Pax S. Mangudadatu Al, Haj na si Mr. Raul Dimagiba. Naroon din ang ating Provincial Planning and Development Coordinator Engr. Romeo B. Zaragoza sa taos pusong suporta nito.

SK 3

Binigyan ng grupo ng pagkakataong mabigyan ng halaga ang mga serbisyong hatid ng ating local na pamahalaan sa pamamagitan ng outreaching. Ayon nga sa ating mahal na Gobernador Datu Teng Mangudadatu, Al Haj, anya salamin ng ating probinsya ang Serbisyong ito, sa pamamagitan nito madama ng ating mga kababayan ang taos-pusong tulong natin, kasama na dito ang totoong ngiti mula sa ating labi na tagos mula sa ating puso. At dito nila nadama na ang Serbisyong Tapat tunay na Maasahan.//PPDONEWS-donnahdelavictorialeono

Related Links