News

1ST QUARTERLY MEETING NG MGA OPISYALES NG SKAYO ISINAGAWA NOONG NAKARAANG LINGGO.

Nagsagawa ng 1st quarterly meeting ang SKAYO o Sultan Kudarat Association of Youth organization noong nakaraang linggo March 11, 2016 sa Sultan Pax Hall, Provincial Capitol Building, Isulan, Sultan Kudarat.

Ang naturang pagpupulong ay pinagunahan ni SKAYO President Datu Pax Ali Mangudadatu at dinaluhan ng mga opisyales nito mula sa iba pang mga youth organization na kinabibilangan nina Leizel Gamao, Secretary mula sa Interfaith, Kristine Balasan, Treasurer mula sa PYAP, Tom Arevalo-Business Manager mula naman sa SKUL KA BA, Joeben B. Aujero – Public Relation Officer at Redentor F. Sangasina – Sgt. At Arms na kapwa galing sa Rotaract Club of Isulan.

Naroon din sina Provincial Human Resource Officer Jovy Samson, PhD na tumatayong adviser ng SKAYO at si Ms. Kristine Camzar Youth Focal Person at kinatawan mula sa Provincial Social Welfare and Development Office.

Ilan naman sa tinalakay sa 1st quarterly meeting ay ang updates sa isinagawang popularization of SKAYO at Strategic Plans sa tatlong kolehiyo sa lalawigan na kinabibilangan ng SMIT o Southern Mindanao Institute of Technology, SKSU ACCESS Campus at SKSU Tacurong City Campus. Nagpabatid naman ng kagalakan at pasasalamat si SKAYO President Datu Pax Ali dahil sa naging tagumpay ng isinagawang popularization dahil sa mahigit sa daan-daang mga istudyante mula sa mga nabanggit na paaralan ang nabigyan ng impormasyon patungkol sa SKAYO.

Tinalakay din ang susunod na mga popularization activities ng SKAYO na isasagawa naman sa mga paaralan at komunidad sa ikalawang distrito ng lalawigan sa mga susunod na buwan. Gayundin ang pagpaplano sa pagpapatupad ng mga aktibidad na nakapaloob sa strategic plans ng SKAYO.

Inaasahan naman na sa isinagawang pagpupulong ay mailalatag na at mapapatupad ang mga aktibidad na mag-aangat sa mga kabataan dito sa lalawigan ng Sultan Kudarat.(J.Aujero/PPDO-SK)

Related Links