Livelihood

CEREMONIAL PLANTING AND DISTRIBUTION OF STARTER KIT FOR VEGETABLE PRODUCTION

Sultan Kudarat, September 13, 2012 (OPAG) – Pinagkalooban ng Department of Agriculture 12 ng Starter Kit para sa produksyon ng gulay ang ilan sa mga pampublikong paaralan sa elementarya sa Isulan, Sultan Kudarat.

Ang pamahahagi ng Strater Kit ay bahagi ng programang “ Gulayan sa Paaralan” ng DA 12 katuwang ng DepEd 12 kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Sultan Kudarat.

Nilalaman ng Vegetable Starter Kit ang mga binhi ng kalabasa, talong, okra at iba pang mga gulay. Kasama din dito ang mga kagamitan sa paghahalamanan tulad ng pala, kalaykay, asarol, bolo, dulos at mga plastic drum.

Layunin ng programa na hikayatin ang mga mag-aaral sa pagtatanim at maisaisip ang kahalagahan ng agrikultura.

 

Related Links