Programs

KAUNA-UNAHANG MARKETING CENTER SA SULTAN KUDARAT TINANGGAP NG SULTAN KUDARAT AGRARIAN REFORM BENEFICIARY NETWORK!

DSC_0459

DSC_0379

DSC_0423

ISULAN, Sultan Kudarat – Pormal nang ibinigay ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang kauna-unahang marketing center sa lalawigan ng Sultan Kudarat sa beneficiary organization nitong Sultan Kudarat Agrarian Reform Beneficiary Network (SKARBNet) noong nakaraang linggo.

Ayon kay Rodolfo Alburo, provincial agrarian reform program officer II (PARPO II), umabot sa kabuuang PhP19, 875,076 ang halaga ng nasabing proyekto.

“Ang pasilidad ay mayroong motor pool, office space at conference room, display area para sa mga processed o produced products at storage area para sa mga produktong bigas, mais, oil palm at sugar cane,” ani Alburo.

Layunin ng Agrarian Reform Information and Marketing Center (AIM-C) na makabigay ng pinagsamang suporta para sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) lalo na ang mga miyembro ng SKARBNet.

Dagdag pa ni Alburo, sa AIM-C din ilalagay ang mga common service facilities na bigay ng DAR para sa SKARBNet tulad ng dalawang dump trucks at isang 90-HP traktor at iba pang makinaryas.

Ani Alburo, magiging venue din ang marketing center para sa mga trainings at iba pang aktibidad para sa kabutihan ng mga magsasaka.

Naniniwala din si Alburo na maitaguyod ng maayos ng SKARBNet ang pamamahala at pagpapatakbo ng pasilidad dahil sa kakayahan ng mga tao at mga magandang practice ng transparency.

Sa pahayag naman ni Jolly Marquez, SKARBNet Chairman, gagamitin nila ng maayos ang pasilidad para matulungan at maiangat ang kabuhayan ng kapwa magsasaka.

“Kasalukuyang ginagawa namin ang aming makakaya, upang makatulong sa mga kasamahan naming magsasaka,” ani Marquez.
Aniya, mas mura ang kanilang ibinibigay na mga fertilizers at iba pa, pati na rin sa singil sa renta ng mga makinarya kumpara sa mga pribadong indibidwal.

Ang AIM-C ang kahuli-hulihang proyekto ng DAR sa ilalim ng Agrarian Reform Infrastructure Support Project Phase III (ARISP-III) sa pakikipagtulungan ng lokal ng pamahalaan ng lalawigan ng Sultan Kudarat. (JJBDael, DAR-SK/AC Agad PIA 12)