News

GOV. PAX S. MANGUDADATU AL HAJ, Ph. D NANGUNA SA GROUND BREAKING CEREMONY NG BAGONG SKPH!

Pinangunahan ni Governor  Sultan Pax S. Mangudadatu, Al Haj, Ph.D  ang isinagawang ground breaking ceremony ng expansion building ng Sultan Kudarat Provincial Hospital na ginanap noong Agosto 8, 2016 sa harap ng SKPH Building, Isulan, Sultan Kudarat.

Pinangunahan ni Governor Sultan Pax S. Mangudadatu, Al Haj, Ph.D ang isinagawang ground breaking ceremony ng expansion building ng Sultan Kudarat Provincial Hospital na ginanap noong Agosto 8, 2016 sa harap ng SKPH Building, Isulan, Sultan Kudarat.

ISULAN, SULTAN KUDARAT – Pinangunahan ni Governor Sultan Pax S. Mangudadatu, Al Haj, Ph.D ang isinagawang ground breaking ceremony ng expansion building ng Sultan Kudarat Provincial Hospital na ginanap noong Agosto 8, 2016 sa harap ng SKPH Building, Isulan, Sultan Kudarat.

Naroon din sina 1st District Congressman Suharto “Teng” T. Mangudadatu, Al Haj, Ph.D., Vice Governor Raden C. Sakaluran, mga Sangguniang Panlalawigan members, mga department heads at mga kawani ng pamahalaang panlalawigan upang makiisa sa isinagawang seremonya.

Sa mensahe namang ibinigay ni Governor Pax, hangarin nito na mabigyan ng libre at de kalidad na serbisyong medikal ang mga mamamayan ng Sultan Kudarat kaya naman buong lakas nitong pinursige ang pagpapatayo ng bagong provincial hospital.

Sinuportahan naman ito ni Congressman Teng at sinabi na isusulong nito sa kongreso ang pagko-convert ng SKPH bilang medical center.

Bukod sa pagtugon sa populasyon ng lalawigan na aabot sa 812,095 ay tutugunan din ng bagong SKPH ang medikal na pangangailangan ng ating mga kababayan sa karatig lungsod at mga lalawigan.
Isa naman sa pinaplantsa ngayon ni Governor Pax ay ang pagtatalaga ng mga espesyalistang doctor sa naturang hospital.

Sa pagtatapos ay sabay-sabay na inilibing nina Governor Pax, Congressman Teng, Vice Governor Sakaluran, Architect Ramonito G. Octaviano at iba pang mga opisyal ang blueprint ng bagong SKPH bilang takda ng pag-uumpisa sa konstruksyon nito.

Samantala, ang bagong itatayong Sultan Kudarat Provincial Hospital ay may apat na palapag, mahigit sa tatlong-daang mga kwarto at magtataglay ng mga makabagong kagamitan sa larangan ng medisina. (JBAujero/PPDO-SK)

Related Links