News

GOVERNOR SULTAN PAX S. MANGUDADATU AL HAJ BINIGYANG PARANGAL NI PNP CHIEF RONALD BATO DELA ROSA!

14055575_859757084155250_1642181268_n

Tumanggap ng parangal si Governor Sultan Pax S. Mangudadatu Al Haj sa ginanap na 115th Philippine National Police Anniversary Celebration na ginanap noong Agosto 11, 2016 sa Police Regional Office 12, General Santos City.

Personal mismong ini-abot ni PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa ang Plaque of Recognition kay Governor Mangudadatu na pirmado naman ni PCS Cedrick Train, Acting Regional Director, PNP Region 12.

Ang nasabing rekognasyon ay binigay kay Governor Pax bilang pagkilala sa suporta ng gobernador sa Police Regional Office 12 sa kampanya nito sa pagkamit ng genuine transformation sa hanay ng kapulisan sa ilalim ng programa na PNP Patrol Plan 2030.

Kahanay ni Governor Pax na tumanggap din ng katulad na parangal sina Senator Emmanuel “Manny” Pacquiao at Mayor Ronnel C. Rivera ng General Santos City.

Isa naman sa naging highlight ng naturang selebrasyon ay ang naging presentasyon ng mga baril at balang nakumpiska ng PRO 12 sa anti-illegal drugs campaign nito.

Samantala, sa ilang mga pananalita ay hayagan din ang pagsuporta ni Governor Pax sa kampanya ni Presidente Duterte konta illegal na droga.

Patunay nito ang naging mga pahayag ni Governor Pax sa hakbang ng kapulisan at pagtatayo ng isang rehabilitation facility sa lalawigan para sa mga sumukong drug personalities.

Nanawagan din ang gobernador na tigilan na ang mga iligal na aktibidad partikular ang droga dahil nakakasira ito ng buhay.

Samantala noong mga nakaraang buwan lamang ay pinangunahan din ni Governor Pax ang panunumpa naman ng humigi’t-kumulang dalawang libong mga drug personalities na ginawa naman sa Sultan Kudarat Sports and Cultural Center ng lalawigan.(JBAujero/PPDO-SK)

Related Links