Governor's Accomplishments, News

MANCOM CONFERENCE ISINAGAWA NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN

Naging matagumpay ang tatlong araw na Management Committee Conference na ginanap sa Secdea Resort, Samal Island, Davao del Norte, noon lamang March 17-19, 2015.

Dumalo sa naturang conference ang lahat ng heads of office ng Provincial Goverment ng Sultan Kudarat, kabilang na ang mga Admin Officers ng bawat tanggapan sa kapitolyo.

Pinangunahan ng mahal na gobernador, Governor Suharto Teng Mangudadatu ang nasabing pagtitipon na may kaugnayan sa mga proyekto at programa ng lokal na pamahalaan ng probinsya. Naroon din ang mahal na bise gobernador, Dr. Ernesto Matias sampu ng mga Sangguniang Panlalawigan. Patunay lamang na ang mga lokal na opisyal ng Sultan Kudarat ay hawak kamay para sa kapakanan ng mamamayan ng probinsya.

Ang bawat head of office ay nagbigay ng kani-kaniyang issues and concerns ng sariling tanggapan, kabilang ang sa ngayong taong proyekto.

Layunin nito ay ang pagkakaroon ng pagtutulungan ng bawat isa para sa mabilis na pag-unlad ng ating lalawigan, pagbibigay ng Serbisyong Tapat tunay na Maasahan.

Kung ang bawat empleyado at ang namamahala ay may magandang samahan at pagmamahal sa isa’t-isa, masasabing SK Sikat Ka, ang lalawigan ng Sultan Kudarat ay Simbolo ng Katahimikan at Kaunlaran.//ppdonews-donnahdelavictorialeono.

Related Links