News

PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG SULTAN KUDARAT PASADO SA ISINAGAWANG 3rd SURVEILLANCE AUDIT NG CIPI!

1st Photo

Auditor Soler Part

Engr. Zaragoza Part

P.A Part Pasado! Yan ang nakuhang marka ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sultan Kudarat sa isinagawang ISO 9001: 2008 Quality Management System 3rd Surveillance Audit ng CIPI o Certification International Philippines Incorporated na isinagawa noong nakaraang Mayo 20-21, 2015.

Hindi nakitaan ni CIPI Auditor Joselito C. Soler ng Non Conformity ang iba’t-ibang departamento ng pamahalaang panlalawigan na sumalang sa mabusising audit noong nakaraang linggo.

Ilan sa mga tanggapan ng pamahalaang panlalawigan na sumalang sa audit ay ang tanggapan ng Office of the Provincial Veterenarian, Provincial General Services Office, Provincial Health Office, Provincial Social Welfare and Development Office. Kasama din sa mga na-audit ay ang Internal Quality Audit Team at ang tanggapan ng Provincial Administrator.

Sa dalawang araw na audit ay naging mabusisi si Auditor Soler sa mga dokumento at mga proseso ng bawat tanggapan. Tinignan din nito ang bawat Q.O o Quality Objectives ng bawat departamento at inalam kung naabot ba o hindi ang mga target ng mga ito.

Sa isinagawa namang pagpupulong pagkatapos ng naturang audit ay pinuri ni G. Soler ang pamahalaang panlalawigan ng dahil sa patuloy na pag-unlad nito sa pagbibigay ng serbisyo. Nagbigay din si G. Soler ng mga OFI o Opportunities for Improvement upang mas mapabuti pa ang kalidad ng serbisyo sa mga mamamayan dito sa lalawigan.

Laking tuwa at pasasalamat naman ni Provincial Planning and Development Coordinator at Internal Quality Process Auditor Engr. Romeo B. Zaragoza dahil nagbunga na umano ang pagod at sakripisyo ng bawat isa na mapagtagumpayan ang naturan audit ng walang anumang Non Conformity.

Pinasalamatan niya rin ang mga IQA sa naging magandang takbo ng naturang audit. Gayundin din ang pasasalamat ni Provincial Administrator Engr. Florante A. Malinao at sinabi nito na mas pagbubutihin pa ng bawat isa ang kanilang tungkulin upang maipagpatuloy ang de kalidad na serbisyo.

Samantala, sa naging tagumpay ng pamahalaang panlalawigan ay patuloy na asahan ang tapat at mataas na antas ng serbisyo na ibibigay sa bawat mamamayan dito sa lalawigan. (J.Aujero/PPDO-SK)

Related Links