News

PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG SULTAN KUDARAT PINANGUNAHAN ANG WELCOME DINNER NG LLPDCPI!

Lambayong Dance Troup PArt

Gov.Speech Part

Daan-daang PArt

1st Photo

 Sultan Kudarat Outreach Team (Feeding Program) in serving people with a SMILE while giving LUGAW at Barangay Tinalon, SNA, Sultan Kudarat. Photo taken last April 25, 2014.

Sultan Kudarat Outreach Team (Feeding Program) in serving people with a SMILE while giving LUGAW at Barangay Tinalon, SNA, Sultan Kudarat. Photo taken last April 25, 2014.

Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sultan Kudarat ang isinagawang welcome dinner sa isinagawang 26th Annual Convention of the League of Local Planning and Development Coordinators of the Philippines Incorporated noong May 18, 2015 na ginanap sa Family Country Hotel and Convention Center, General Santos City.

Daan-daang mga Municipal Planning and Development Officers at Coordinators, Provincial at City Planning and Development Officers at Coordinators sa bawat sulok ng Pilipinas ang nagsipagdalo sa naturang welcome dinner.

Naroon naman si Sultan Kudarat Provincial Planning and Development Coordinator Engr. Romeo B. Zaragoza upang pangasiwaan ang paghahanda sa naturang aktibidad.

Personal ding sinalubong ni Sultan Kudarat Governor Suharto T. Mangudadatu Al Haj at Vice Governor Ernesto F. Matias MD kasama ang mga SP Members ang mga kinatawan mula sa bawat munisipalidad, siyudad, at rehiyon sa Pilipinas.

Nandoon din si Provincial Tourism Officer Kathy Trinidad kasama ang Lambayong Dance Troup na nagbigay sulyap sa mga katutubong sayaw ng Mindanao.

Samantala sa pananalita ni Governor Mangudadatu ay mainit nitong tinanggap ang bawat isa at ipinagmalaki nito ang lalawigan ng Sultan Kudarat. “Hindi hadlang ang pagkakaiba-iba ng tribo sa pagkamit ng pagkakaiisa at kapayapaan at patunay nito ang lalawigan ng Sultan Kudarat” ayon sa gobernador.

Binigyan din ng sulyap ang bawat nagsipagdalo kung ano ang Sultan Kudarat sa pamamagitan ng presentasyon ng SK Profile at toursim attractions ng lalawigan. Isa rin sa ipinalabas ay ang feature documentary ng Living Asia Channel tungkol sa Sultan Kudarat.

Umaasa naman ang pamahalaang panlalawigan partikular ang Provincial Tourism Office na mas makikilala pa ang lalawigan ng Sultan Kudarat dahil sa naging mainit na pagtanggap nito sa mga kalahok ng LLDPCPI at pati na rin sa mga magagandang bagay na sa Sultan Kudarat lamang matatagpuan. (J.Aujero/PPDO-SK)

Related Links