Governor's Accomplishments, News

SK Outrech Team sa ika-114 na Selebrasyon ng Serbisyo Sibil

Kasabay ng isang buwang selebrasyon ng Civil Service Commission para sa ika-114th anibersaryo nito ngayong buwan ng Setyembre, kabilang ang Outreach Team ng Probinsya ng Sultan Kudarat sa mga binigyan ng pagkakataon ng naturang ahensya na makibahagi sa naturang selebrasyon.

Ang Brgy. Buenaflor Tacurong City ang naging venue nito. Dakong alas otso ng umaga nitong September 5,2014 kaagad na tinungo ng SK outreach team ang nasabing barangay, sa pangunguna ni Dr. Rex Archangel Lamprea ang Chief Director ng Sultan Kudarat Mobile Hospital, Mr. Jovy Samson Ph.D – OIC PHRMO, Ms. Tina Lindog ng PGSO at Ms. Josefina Gepte Buenbrazo, Director CSC SK Field Office, representante mula sa DOLE at Provincial Hospital.

Taos pusong suporta naman ang binigay ng ating mahal na Governor Suharto Teng Mangudadatu, Al Haj sa pamamagitan ni Ms. Suraina Andao Ulama, ang secretary nito. Kaagad ding nagpahayag si Brgy. Chairman Adriano Beso sampu ng kanyang Barangay Council Members ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa Sultan Kudarat Outreach Team at sa mga ahensya ng gobyerno na dumalo at bumisita sa nasasakupan nitong barangay.

Sa naturang selebrasyon pinagsanib ang temang TAPAT NA SERBISYO ALAY KO DAHIL LINGKOD BAYANI AKO at SERBISYONG TAPAT TUNAY NA MAAASAHAN, SK SIKAT KAPAMILYA NAGKAKAISA.//PPDONEWS/donnahdelavictorialeono

brgy  buenaflor

Related Links