Governor's Accomplishments, News

SKSU KAMPYON SA ISINAGAWANG PHILIPPINES STATISTICS QUIZ PROVINCIAL ELIMINATION!

Nasungkit ng Sultan Kudarat State University Tacurong Campus ang kampeyonato sa katatapos pa lamang sa Philippine Statistics Quiz – Provincial Elimination na isinigawa sa Kings Hall, Provincial Capitol noong nakaraang Oktubre 22, 2014.

Umabot sa 27 na mag-aaral mula sa mga pangunahing kolehiyo at unibersidad dito sa lalawigan ng Sultan Kudarat ang nagtagisan ng galing sa larangan ng istadistika.

PSQ 2

Nakamit ni Brandon D. Bangonon ng SKSU Tacurong City Campus ang kampeyonato matapos manguna sa isinagawang quiz na nahati sa tatlong kategorya: ang easy, moderate at difficult rounds.

PSQ 3

Itinanghal naman si Airen Marie Lumantas bilang 1st runner up at Nicole Magante bilang 2nd runner up na kapwa galing sa Notre Dame of Tacurong College. Napag-alaman din na halos taun-taon ay nakakasungkit ng pwesto sa naturang kompetisyon ang NDTC.

Hindi naman nabigo ang Quezon Colleges of Southern Philippines o QCSP sa pambato nito na si Julius Dahan na nasungkit ang pwesto bilang 3rd runner up at nakasingit din si Caryll Darlene Dalipe mula sa Sultan Kudarat State University Tacurong Campus bilang 4th runner up.

Ginawaran din ng medalya, certificate of recognition, at cash prizes ang mga manlalaro at pati na rin ang kanilang mga coaches na kinabibilangan nina Criselda M. Jerez ng SKSU, Joel M. Ilustracion ng NDTC, at Yedda T. Abalos ng QCSP.

Samantala, naging matagumpay ang nasabing PSQ Provincial Elimination sa pangunguna ng National Statistics Office sa pakikibahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sultan Kudarat sa pamamagitan na rin ng Provincial Planning and Development Office.

Gaganapin naman ang regional championship ng PSQ sa Nobyembre sa General Santos City at gaganapin naman ang PSQ National Championships sa Maynila sa darating na Disyembre nitong taon. (J.Aujero/PPDO-SK)

Related Links