Governor's Accomplishments

SULTAN KUDARAT MOBILE OUTREACH TEAM KASALUKUYANG NAGHAHATID NG LIBRENG SERBISYO MEDIKAL SA BAYAN NG BAGUMBAYAN

Kasalukuyang naghahatid ngayon ang Sultan Kudarat Mobile Outreach Team ng libreng serbisyo sa mga residente ng Brgy. Monteverde sa bayan ng Bagumbayan.
Nag-aabot ulit ng libreng serbisyo ang Oureach Team sa pangunguna ni Dr. Rex Lamprea sampu ng mga kasamahan nito.
Doon ay nagsasagawa ng free medical and dental check-ups, blood-typing at sumailalim naman sa minor operations ang ilang mga residente ng naturang mga lugar.
At dahil sa parating na bakasyon ay magsasagawa na rin ang SK Outreach Team ng medical circumcision o libreng tuli sa mga kabataan.
Samantala nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang feeding program sa pakikibahagi ng Provincial Social Welfare and Development Office
Hindi rin mawawala ang pamimigay ng mga libreng gamot ng Mobile Outreach Team para sa ating mga kababayan.
Ang Mobile Outreach Program ay isang programa ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Governor Suharto T. Mangudadatu Al Haj na naglalayong maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga mamayan sa lalawigan ng Sultan Kudarat. (J.Aujero/PPDO-SK)

Related Links