Governor's Accomplishments, News

VICE GOVERNOR AT SANGGUNIANG PANALAWIGAN MEMBERS INTER-AGENCY VOLLEYBALL TOURNAMENT OPISYAL NANG UMARANGKADA!

Opisyal nang umarangkada ang Vice Governor at Sangguniang Panlalawigan Inter-Agency Men and Women Volleyball Tournament sa isinagawang opening ceremony ng naturang torneyo noong nakaraang October 27, 2014 na ginanap sa Sultan Kudarat Sports Complex and Cultural Center.

Ibat-ibang ahensya ng pamahalaan na kinabibilangan ng Sultan Kudarat Provincial Government, Department of Education-Sultan Kudarat Division, Department of Agrarian Reform, Sultan Kudarat Water District, Department of Public Works and Highways ang sumali sa naturang kompetisyon.

Kabilang din sa mga nakilahok ang mga taga Philippine National Police-SKPPO, Local Government Unit ng Tacurong City, SUKELCO, SKSU, at ABC.

VOLLEY 1

Samantala, ay personal na dumalo si Vice Governor Ernesto F. Matias M.D., Provincial Administrator Florante Malinao at Isulan Sangginiang Bayan Member Carlo Apiado.

Sa mensaheng ibinigay ni Vice Governor Matias ay pinasalamatan nito ang iba’t-ibang ahensyang nakilahok sa naturang torneyo. Isa umano ito sa mga aktibidad na dapat abangan na bahagi ng pagdiriwang ng Kalimudan ngayong taon.

Kaniya ring pinaalalahan ang mga kahalok na isa-puso at isa-isip ang diwa ng sportsmanship.

Pinangunahan din ni Vice Governor Matias at Provincial Administrator Florante Malinao ang ceremonial serve sa pagbubukas ng nasabing torneyo.

Ceremonial Serve Part

Opisyal na ring nagsimula ang laban sa pagitan ng mga nabanggit na koponan. Sa kasalukuyan ay nakapagtala na ng panalo ang mga koponan mula sa PGSK, DEPed Sultan Kudarat at Department of Agrarian Reform.

volley 3

Samantala magpapatuloy ang elimination games hanggang October 31, 2014 na isinasagawa pa rin sa naturang venue at isasagawa ang championship games nito sa Nobyembre 3-4 ng taong kasalukyan. (J.Aujero/PPDO-SK)

Related Links