Upang mas maging malawak pa ang kaalaman, dumalo sa isang orientation seminar ang mga kapatid nating Muslim Farmers Association and Council na nag mula sa ibat-ibang munisipyo ng Sultan Kudarat Province.
2 days on site-orientation for halal-compliant small scale-goat production ang isinagawa sa pangunguna ng Department of Agriculture Region 12 sa Carlitos Hotel, Isulan, Sultan Kudarat, ganap na alas otso ng umaga, July 21, 2021.
Ipinakita ang patuloy na suporta ng ng ating mahal na Gobernador Datu Suharto T. Mangudadatu, PH.D sa pamamagitan Office of the Provincial Agriculturist o OPAG sa pangunguna ni Ms. Estela S. Hallegado katuwang ang Department of Agriculture dito sa Rehiyon Dose (12) para sa pagpapaunlad ng ating mamamayan ng ating lalawigan.
Dumalo rin sa nasabing orientation ang national focal person of halal industry development program (da halal philippines), shiek salih d. Musa, shariah advisor, al-amanah islamic investment bank of the philippines, manan e undong, ph.D. Ang mga ito ang syang nagbigay kaalaman at ispirasyon sa ating mga magsasaka na ang produktong mapa tanim man at halagang hayop ay tunay na sinasabing halal, at pasok sa halal industry, mula dito sa probinsya ng sultan kudarat at sa buong pilipinas.
Ipinahayad dito na ang salitang halal at ang regulasyon dito ay walang bahid na isyu kung pag uusapan ay tungkol sa relihiyon at paniniwala ng bawat isa. Dahil ang tunay na halal ay isang obligasyon, paniniwala, katapatan at kalinisan.
Dito napag-usapan ang tamang pag-aalaga ng kambing, na syang pangunahing nagiging produkto sa halal industry. Nakapaloob dito ang pagpaparami para sa mabilisang prudoksiyon sa loob at labas ng ating bansa. Nakasaad na sa pag-aalaga ng hayop na pasok din sa halal industry ang pagtupad ng sinumpaang responsibilidad bilang isang tapat na nilalang.
Sa usaping pang ekonomiya naman, kaakibat nito ang production management program, kabilang na ang investements, promotions at nutrition, gayun din ang pagpapatupad ng halal law implemetation under ra 10817. Ayon sa pahayag, naisabatas na nga at kasalukuyang iniimplimenta sa ating bansa ang halal law. Nakapaloob dito ang prudokto, proseso at serbisyong tapat, ito ay para sa katapatan, kaunlaran ng bawat pilipino, mapa kristyano at muslim.