PARA SA MAS AGARANG PAG RESPONDE SA ANU MANG SAKUNA, MAS PINALAWAK NG ATING  SK RESCUE TEAM ANG  KANILANG TANGGAPAN SA ILALIM NG SK PROVINCIAL DISASTER RISK REDUCTION (PDRRMO), ITO AY ANG PANIBAGONG MGA RESPONSE VEHICLES  AT FACILITIES .

MAY 12, 2021, SABAY NA NAGSAGAWA NG BLESSINGS PARA SA MGA NATURANG  AMBULANSYA AT MGA BAGONG RENOVATED  ROOMS AND OTHER FACILITIES NG TANGGAPAN.

HINDI ALINTNA ANG TAOS-PUSONG SUPORTA NAMAN ANG ATING GOVERNOR DATU SUHARTO TENG TAN MANGUDADATU, PH.D AT 1ST DISTRICT CONGRESSWOMAN BAI RIHAN PRINCESS M. SAKALURAN  SA NATURANG PROYEKTO PARA SA MAMAMAYAN NG ATING PROBINSYA.

SA PANGUNGUNA NI  SKPDRRMO-OIC LOVELY JOY HALLEGADO,  SABAY NG KANYANG PAGIGING OIC, LAHAT  NG DAPAT BAGUHIN , KABILANG NA ANG TINATAWAG NA WORKMANSHIP AY KAAGAD NYANG  IPINATUPAD. AT NOON NGANG ARAW NG MAYO A DOSE (12)  SA BLESSING  NA PINANGUNAHAN NI REV. REX CARNAZO , LUBOS NANG BINUKSAN SA PUBLIKO NA OPISYAL  NG MAGAGAMIT ANG MGA BAGONG AMBULANSYA AT PASILIDAD NG NATURANG TANGGAPAN.

NAKAPALOOB SA MGA BAGONG QUICK RESPONSE VEHICLES AY ANG MGA KAGAMITAN NA SAPAT PARA MABIGYAN NG FIRST AID ANG ATING MGA PASYENTE HABANG  BUMABYAHE KASAMA ANG ATING MGA WELL- TRAINED  RESCUERS AT MGA TRAINED EMERGENCY MEDICAL TECHINICIANS O EMT.

SAMANTALA, KASABAY DIN NITO ANG PAGKAKAROON NG COMFORTABLE ROOMS AND OFFICES, PARA SA MAS MAAYOS NA PAGTATRABAHO NG MGA MIYEMBRO NG PDRRMO RESCUERS. ANG PAGKAROON NG MALINIS AT MAAYOS NA MESS HALL, BEDROOMS OF ON DUTIES, RESTROOMS, STORAGE ROOMS, ADMIN OFFICES AND KITCHEN AY  ANG PAGBIBIGAY NG HALAGA PARA SA MGA  TAGAPAGRESPONDE. AYON SA MGA ITO, MASARAP MAGTRABAHO AT  HUMARAP SA RESPOSIBILIDAD BILANG RECUERS PAG MAY PAGKAKAISA AT PAGPAPAHALAGA.  IPINAHAYAG NAMAN NI MS. HALLEGADO NA ANG PAGPAPATUPAD AT PAG-SUNOD NG TAMANG RULES AND REGULATIONS AY NAGPAPAHIWATIG NG KAHALAGAHAN SA TUNGKULIN NG BAWAT ISA.

DAGDAG NITO NA HINDI BASTA-BASTA ANG RESPONSIBILIDAD NA GINAGAMPANAN NG MGA REPONDERS LALO NA NGAYONG NAKIKIPAGLABAN TAYO SA PANDEMYA NG COVID19. KAYA NAMAN IPINAPAALAM SA BUONG PROBINSYA NG SULTAN KUDARAT NA ANG PDRRMO AY HANDANG TUMULONG SA ANU MAN KLASENG SAKUNA NA KANILANG MAKAKAYA. UKOL DITO ANG PAGBUBUKAS NA RIN SA PUBLIKO NG 24/7 HOTLINES PARA SA MAS AGARANG RESPONDE PARA SA KALIGTASAN NG MAMAMAYAN NG PROBINSYA.  .