The Official Website of the

Province of Sultan Kudarat

Bagong Talagang Area Program Officer ng UNFPA sa Sultan Kudarat Bumistisa sa Lalawigan!

Bumisita sa lalawigan ang bagong talagang UNFPA o United Nations Population Fund APO o Area Program Officer for Sultan Kudarat na si Dyezebal Dado noong May 7, 2015.

Kasama ni APO Dado sina UNFPA Assistant Country Representative na si Rena Dona at Area Finance Assistant Mary Ann V. Obidos.

Si Ms. Dyezebal Dado ang hahalili kay G. Arnel Kasan bilang Area Program Officer ng UNFPA dito sa Sultan Kudarat simula ngayong taon.

Samantala, ay personal mismong tinanggap ni Provincial Administrator Florante A. Malinao sina APO Dado at mga kasamahan nito. Doon ay napag-usapan ang patuloy na pakiki-isa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Sultan Kudarat sa mga programa ng UNFPA sa lalawigan.

Ayon kay Provincial Administrator Malinao ay nagpapasalamat ang buong pamahalaan ng lalawigan sa mga programa ng UNFPA na tumutulong sa mga mamamayan ng Sultan Kudarat.

Pagkatapos ng naturang courtesy call ay tumuloy sa isang pagpupulong ang mga taga UNFPA kasama ang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Ms. Amalia P. Cachero PEO III at UNFPA Focal Person at ibang pang concern sa mga programa ng UNFPA mula sa iba’t-ibang departamento ng pamahalaang panlalawigan.

Naging paksa ng kanilang talakayan ang mga nagpapatuloy na programa ng UNFPA dito sa Sultan Kudarat. Nabanggit din ang isasagwang pagbisita ng mga taga Australia para tingnan ang implementasyon ng mga proyekto ng UNFPA dito sa lalawigan.

Nagbigay din ng ilang concern ang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan. ilan na dito ay ang pagbibigay atensyon upang mas mapababa pa ang kaso ng Maternal Death, mga kaso ng Violence Against Women and Children, HIV at teen pregnancies.

 

Sa pagtatapos ay nagpa-abot naman ng pasasalamat si APO Dado sa mainit na pagtanggap ng lalawigan sa kanya at sinabi na magpapatuloy umano ang kooperasyon ng UNFPA at Pamahalaang Panlalawigan para sa ikakabuti ng mga mamamayan ng Sultan Kudarat. (J.Aujero/PPDO-SK)