Team Sultan Kudarat at Team Province Maguindanao personal na dinako ang mga bayan na hinagupit ng bagyong odette sa Surigao del Norte at Southern Leyte sa pamamagitan ng grupo na mula sa lalawigan ay ang SKPDRRMO/Rescue Team sa pangunguna ni Ms. Lovely Joy Hallegado, SkMobile Hospital pasa sa oang medikal sa pangunguna ni Dr. Rex Lamprea, PESU mobile, PTM, OPAG, PSWD sa pangunguna ni Ms. Elinita Saavedra, Opvet Sultan kudarat sa pangunguna ni Dr. Edwin Nacito para sa mga relief goods at iba pang Lgus, Naroon si Mayor Randy Ecija ng Senator Ninoy Aquino, Lgu Lambayong sampu ng mga staff ni Mayor Andy Agduma, kasabay sa pagbigay ng tulong ay ang actor na si Mr. Robin Padilla.
Kita sa mga larawan ang mga naiwang bakas ni oddette, gayun pa ipinapakita ng ating mga kababayang apektado ang tapang at tatag sa pagharap ng nasabing pagsubok, at nariyan tayo, hawak kamay natin silang dinadamayan.
Matatandaan na noong dakong Alas syete ng gabi Abente Kwatro ng Desyembre , nagpalabas ng order si SK Gobernador Suharto T. Mangudadatu at Maguindanao Gobernadora Mariam Sanki-Mangudadatu agad na Nilisan ng Grupo ang Probinsya ng Sultan Kudarat at Maguindanao upang ipadama sa mga kababayan natin ang pagpapahalaga sa kapwa Pilipino.
Kilala ang dalawang lalawigan sa taos-pusong pagbibigay tulong, pangkabuhayan, at medikal, kaya naman sa kabila ng hagupit ni odette ipinadama pa rin ang diwa ng kapaskuhan, mahatidan lamang sila ng pangunahing pangangailangan at makitaan ng ngiti.
Bangon at barog mga kapwa Pilipino, kaya natin ito,
iisa lang tayo, sa isip sa salita at sa gawa!
SKTULONGSA PAGBANGON