October 18, 2023

IDINEKLARANG ADOPTED SON OF SULTAN KUDARAT PROVINCE SI SENATOR BONG GO

October 9, 2023 | Esperanza , Sultan Kudarat
 
Pormal ng idineklara bilang Adopted son of Sultan Kudarat Province si Senator Bong Go sa isang resolusyon na ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Datu Pax Ali S. Mangudadatu.
Kasabay nito ang Ground Breaking ng Super Health Center na syang ibinigay ng Senador sa mga kababayan nating Kudarateños partikular sa Munisipyo ng Esperanza.
Nangako ang Senador na ang lahat ng programa ng Probinsya na patungkol sa kalusugan ay kanyang susuportahan.
 
SK, Sikat Ka!
Dito, Patuloy tayong Aangat!