Para sa pangkabuhayan ng ating constituents dito sa lalawigan ng Sultan Kudarat Patuloy ang tanggapan ng Provincial Agriculturist sa pangunguna ni Ms. Estella Sumalpong Hallegado sa pagtutok sa mga proyektong magbibigay ng malaking tulong upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng ating mamamayan.

Sa taos-pusong suporta ni Sultan Kudarat Provincial Governor Suharto T. Mangudadatu, Ph.d, ang Fresh Water Demonstration, Fish farm and Nursery na matatagpuan sa New Passi, tacurong City. Umabot ng 715, 500 fingerlings ang naipamahagi sa mga recipients mula sa mga Munisipalidad ng Lalawigan ng Sultan Kudarat.

Ang programang ito ng ating probinsya ay maituturing na pagpapahalaga sa ating mga magsasaka at mangingisda upang maibsan ang dinaramdam na kahirapan ngayon ng ating mga mamamayan dulot ng pandemic.

Ang mga staff ng OPAG sa pamamagitan ng ating mga aqua culturist ng OPAG kasama sina Senior Aqua culturist Mr. Reynaldo Zaragoza at Fishery Center Chief Analyn Quibuyen  nagbahagi rin ang mga ito ng sapat na kaalaman para sa tamang pag-aalaga at pagpapa-unlad ng kani-kanilang fingerlings na natanggap. naging positibo ang dulot ng naturang programa kadahilanan na mas nagkaroon ng interes ang ating mga recipeints.

ayon sa kanila, doble ang dulot o epekto ng naturang programa , dahil anila hindi lamang dagdag na kita pangkabuhayan kundi karagdagan din sa kanilang kaalaman.//donnahleono/opagnews