Upang matugunan ang mga programa ng ating pamahalaan para sa mga magsasaka at mangingisda ng probinsya, patuloy sa kasalukuyan ang mga proyekto na syang makapagbigay ng agarang kaunlaran sa pamumuhay ng ating mga kababayan.
Dakong alas- Otso ng umaga sa King’s Hall, March 16, 2022, Ang Office of the Provincial Agriculturist sa pamumuno ni Ms. Estela S. Hallegado, kaakibat ang bawat Local Government Unit ng ating Probinsya pati ang nasa Academe ay iisa sa layunin ng binuong Technical Group/Program Team na Province Agriculture Fishery Extension System o SKPAFES.
Nakatutok ang layunin nito sa ipinapahiwatig ng Department of Agriculture na Ani at Kita ng bawat mamamayan, para sa agarang pag-lago ng pamumuhay at pagbaba naman ng kahirapan.
Ipinahatid ni Governor Suharto T. Mangudadatu , PhD. Ang kanyang mensahe sa pagtugon nito sa suporta para sa ikauunlad ng probinsya sa ilalim ng kanyang liderato sa pamamagitan naman ng ating Provincial Administrator Mr. Jimmy C. Andang.  Mula sa DA Region 12, Naroon si Chief, Field Operation Division Mr. Zaldy Boloron na nagbigay ng overview para sa implementation ng PAFES, Ms. Julie Albano, PhD. Na nagbigay ng suporta at mensahe mula sa Sultan Kudarat State University SKSU at mga representatives mula sa BFAR, PAFC, at Municipal Agriculturist naman mula sa coastal town ng probinsya at ng OPAG staff.
Isang Open forum din ang isinagawa upang lubos na maipahayag ng ating mga Focal persons ang nakapaloob sa programang e implementa ng PAFES pati na rin ang magiging proyekto nito at epekto sa ekonomiya natin,, ang tulong na maibigay para mas kumita pa ang mga magsasaka, mangingisda na syang nagbibigay ng pangunahing pangnangailangan ng bawat pamilya.
Nasimulan na nga ang naturang programa para sa pag-angat ng ating kabuhayan, atin na lamang bigyan ng halaga at pag-tuunan ng pansin para sa agad nang mabawasan ang kahirapan ng bawat pilipinp. Magtulungan at magka-isa para sa Masaganang Ani, Mataas na kita.
.