Para sa mas malawak at mabilisang pag-unlad ng ating ekonomiya lalo na ang kabuhayan ng ating mga mamamayan. Ang proyekto na makagbibigay ng benipesyo para sa ating mga magsasaka ang syang pinapahalagahan ng ating Gobernador Suharto T. Mangudadatu, hinihikayat ng gobernador ang mga magiging beneficiaries na makipag-ugnayan ng lubos ang mga ito sa tanggapan ng OPAG.
Ang Office of the Provincial agriculturist o OPAG sa pamumuno ni ms. Estela S. Hallegado ay patuloy namang nakatotok sa mga  programang pang-agrikultura ng gobyerno.   Una na dito ang ADPO –River Bank Rehabilitation Program, nakasaad dito na ang 1.5 million halaga ng Bamboo Propagules na nakatalagang ipamimigay para sa mga magiging beneficiaries nito sa buong Sultan Kudarat Province. Ayon kay Mr. Kristian Del Castillo, ADPO Focal and Bamboo Focal Person ng OPAG, regular ang nagiging monitoring sa naturang programa upang masiguro na nasa tama at maayos na pangangalaga ang mga ipamimigay ng Bamboo propagules, at protection na rin para sa ating mga River banks, gayundin ang tamang matatanggap ng ating benipesyaryo.
Samantala , nagkaroon din ng usapin patungkol naman sa ating Hybrid Cluster Rice Program. May naitalaga nang proyekto umabot sa 100 Hectare cluster areas kabilang na ang libreng 500 thousand worth of hybrid seeds dito sa ating lalawigan, At upang maramdaman ng ating mga magsasaka ang tulong ng ating gobyerno, direkta nang e dideliver sa National Food Authority or NFA ang palay na maani or ang tinatawag natin na Local Rice Product, bilang pagtugon sa Local Farmers natin dito sa Sultan Kudarat. Ang naturang programa ay nagmungkahi ng mahahalagang impormasyon kaakibat nito ang free agri inputs ( pests and pesticides ) worth 1.5M . Dito nakapaloob ang mga pananim na palay na syang patuloy na minomonitor para sa isinasagawang OPLAN DAGA. Gaya pa rin ng regular na programa para sa proteksiyon ng mga pananim na palay. Naka -saad dito ang paghuli ng mga daga na syang nagbibigay ng malaking pinsala sa mga pananim, Dito naging doble ang binipesyo ng ating mga magsasaka, na naging kaakibat dito ang pagbili sa mga Rat Tails na syang pangunahing problema ng mga magsasaka na dumadagsa pa rin hanggang sa ngayon.//OPAGNews -021522